Thursday, July 7, 2011

Seryosong Kasalan

I have always been amazed with wedding invitations, specially the poems and the couple's pledge of love that goes with it. So when it's our turn to get wed, being a self-proclaimed nonconformist I decided to write our own wedding poem that says exactly what and how we want to say it. :o)


Sariwa pa ang lahat sa aming isipan

Nang aming mga mata’y unang nagtipan

Isang ngiting naka-ngiwi ang pinakawalan

Pa-beautiful eyes with matching ngisi ang isinagot naman.


Simula noon, kami’y naging mag-tropa

Umaatikabong asaran, biruan, at kulitan sa opisina

Minsa’y inuman hanggang abutin ng umaga

Aming kalooba’y lihim na nahulog sa isa’t-isa.


Lampas sampung taon, ang lumipas na pala

Simula nang nangyari yung first stanza

Ngayon ay hihingin na namin ang blessing NYA

Upang ang aming tipanan ay ma-formalize na.


Sa araw na ito, kayo ay magiging witness

Sa pagmamahalan na pwede na sa guinness

Sa dambana maririnig nyo ang matatamis naming YES

Para sa pagsasamang wagas, until we lay to rest.


Bago pa pala namin makalimutan

Ang aming pamilya ay malapit nang lumisan

Sa Singapore kami ay maninirahan

Kung kaya’t CASH na lang at wag na kagamitan.


:o)


No comments:

Post a Comment