By: Erwin L. Sison
Taglish
ang gagamitin kong medium of writing dahil di ko gusto maintindihan ng ibang
lahi ang mga sasabihin ko.
Having
spent more than eight years sa labas ng Pinas, naging saksi ako on how our
culture is applied sa social integration ng ibang bansa. Singapore is a
multi-cultural country, madaming lahi ang nakatira dito actually too many
considering kung gaano kaliit ito.
Isa sa
mga lahing nandito ay ang mga Pilipino. We have our fair share of the
population here. May mga maids, healthcare workers, engineers, IT professionals
at iba pang engaged sa iba't ibang line of work. Our presence is definitely
undeniable.
Anyway, I
am writing this just to make a point on how we were brought up and kung papano
ito nakaka-apekto sa pakikisalamuha natin sa ibang nationality.
Disclaimer
agad: This is my personal opinion, it might rub you the wrong way pero it might
also inspire you.
Majority
of pinoys are Catholic, that is a fact. So from childhood we were taught to be
humble and give the other cheek. Tahimik lang tayo. We believe na our work or
our attitude will speak for us. Naniniwala tayo na action speaks louder than
words.
Pasensyoso
tayo, as much as possible ayaw natin ng confrontation. We'd rather suffer
quietly than make a big fuss out of something na we think we can still bear.
Most of the time sinasabi natin "Dyos na bahala" o "ipagpapa sa
Dyos ko na lang yan". We prefer to be in the background kaysa maging
parang KSP.
Negative
ang pagiging ambisyoso, we despise them. Kapag na labelan ka na ambisyoso o
ambisyosa parang may social stigma ka na.
I'm
telling you right now, all of the above are CRAP! Stop reading if I came down
too hard and please start hating me now. If you wanna know my reason please
proceed.
I'm not
saying na ayaw ko ang way ng pagpapalaki sakin ng magulang ko, they are the
best gift anyone could ever have and I love them and will continue to do so
until I take my last breath.
I'm not
saying na hate ko ang pagiging pinoy ko because I am truly proud of my roots,
my race at mahal ko ang bansa ko. In fact my love for my country ang isa sa mga
dahilan bakit ko sinusulat ito.
Having
said that, gusto ko i-highlight na may mali sa ating kultura.
Hindi
tama para sa akin na mag-suffer quietly dahil lang ayaw nating ng
confrontation. Hindi tama na magsawalang kibo kahit nahihirapan dahil lang ayaw
natin maka istorbo ng ibang tao. Hindi tama na manahimik lalo na kapag
inaapakan ka na.
Tama ang
maging ambisyoso o ambisyosa tama ang magkaron ng pangarap o ambition tama na
may aim ka sa buhay. At higit sa lahat ayaw na ayaw ko na palagi na lang
ipinagpapa sa dyos ang lahat! I hate that so much!
Binigyan
ka ng kamay at paa, kumilos ka! Binigyan ka ng bibig magsalita ka! Express your
feelings, do what you need to do but never deprive yourself of something that
you think you deserve. Lumaban ka! Huwag kang kikimi-kimi.
Dito sa
Singapore madaming lahi, napapansin ko
most of the time nagta-take advantage sila sa pagiging pinoy natin kasi alam
nila na bihira sa atin ang nagsasalita o lumalaban o nag-iinitiate ng
confrontation. Hindi ko gusto yun and hindi ako ganun.
My fellow
pinoys na kilala ako ay alam nila na I won't take crap from anybody specially
sa ibang lahi. I am not afraid to stir things up to defend myself, my belief
and my pride. They know na I won't shun away from confrontation and won't
hesitate na i-declare ang unhappiness ko kapag feel ko I am being treated
unfairly.
In short,
I am not a push-over. At ito ang tinuturo ko sa mga anak ko, I just hope na
ma-adopt nila ito.
Bakit ba
naging masyado tayong pasensyoso? Bakit ba ang pinoy tahimik lang most of the
time? Duwag ba tayo? Papano ba tayo naging ganito as a country, as a race?
To answer
this we need to take a look at our history.
For
approximately 300 years nasa ilalim tayo ng spanish occupation sila ang
nag-gogovern ng bansa at ng buhay natin. 300 years, isipin mo, ang tagal nun.
Papano nila nagawa yun? Nagyari yun dahil bukod sa espada, gumamit din sila ng
religion, Catholicism.
Naging
way ito para mahawakan tayo for as long as they want. Itinuro nila sa atin na
masama ang maging ambisyoso, ipagpa-sa dyos ang lahat at huwag masyado mataas
ang pangarap. Mahirap syempre i-supress ang isang bansa na marunong mag
ambisyon o maging palaban.
So
nagkarooon ng negative conotation ang
pagiging aggresive at pagiging assertive.
After ng
Spaniards the Americans came and they did almost the same thing. In fact they
played a major part in choosing our martyr national hero who doesn't even want
to go to war in the first place instead of an aggressive, change-seeking,
freedom fighter.
Even
folklores such as "Biag ni Lam-Ang" were banned during those times so
not to inspire Filipinos to seek for freedom. Bilang oppressor ayaw mo ito, and
that is what they did.
To sum
things up, dahil sa history natin na palagi na lang tayong may tormentor we
were taught and trained to be happy with what we have and as much as possible
huwag mangarap.
Times
have changed at hindi na natin dapat ine-embrace ang ganung thinking, if we
want to progress as a nation as a race we have to be assertive and most of all
act towards the direction of what we want to achieve.
Hindi na
pwede yung bow na lang ng bow. Matagal na umalis mga hapon sa bansa natin. This
is the time to assert ourselves kaya tayo binu-bully ng China e.
50 or 60
years ago mas maunlad tayo sa mga katabi nating bansa. Today, maunlad na sila
tayo parang lalo pang umatras. Yes, one of the reason is our corrupt government
pero look at the mirror, malaking factor dito ang ating acquired (and taught)
inferiority complex.
Parents
should start changing the way na palakihin ang mga anak natin, dapat tutuan
silang maging competitive and to reach for their dreams with all they got. No
boundaries, no limits.
Hindi na
applicable na antayin mo ang grasya na lapitan ka, have we not learned anything
from Juan Tamad? We need to go for it, paminsan-minsan kailangan mo iangat ang
sarili mong bangko. Who knows, 3 centuries hence we'll be one of the super
powers of the world. Hindi impossible considering our natural born talent to
excel.
Change is
in order. Change is what we need. The time is now. Let us start with the man in
the mirror.
No comments:
Post a Comment